204
Kuratong Baleleng member todas sa Leyte drug bust
By

Pulis patay matapos barilin sa Lanao del Norte

Patay sa pamamaril ang isang pulis na patungo sana sa mga voting precint sa Kapatagan, Lanao del Norte upang inspeksyunin ang security preparations sa mga naturang presinto.

Nasa bisinidad ng Barangay Panoloon sa bayan ng Sapad si Police Corporal Richard Garcia Gordiones, 30-anyos nang barilin siya ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo dakong alas-3 ng hapon, ayon kay Police Colonel Rene Solidarios, direktor ng Lanao del Norte police nitong Linggo.

Namatay ang pulis bago pa makarating sa provincial hospital sa Kapatagan.

Ayon kay Solidarios, nagpapatrolya sa area si Gordiones bilang bahagi ng assignment nito na magbigay seguridad sa mga voting center sa naturang bayan para sa eleksyon sa Lunes nang ito’y mabaril.

Nilinaw naman ni Solidarios na ang pamamaril ay hindi election-related dahil bago umano naganap ang insidente ay nagbigay babala na ang Lanao del Norte police intelligence unit kay Gordiones na may nagbanta sa kaniya mula sa pamilya ng drug personality na napatay sa isang anti-drug police operation kung saan ay sangkot ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?