225

By

Pulis nagsayaw nang hubad sa nightclub, arestado

Suspendido na ang isang police officer matapos itong mahuli habang nagsasayaw nang nakahubad sa isang nightclub.

Off duty daw noon si Cebron Hackett nang magsasasayaw nang hubad sa Discovery Nightclub sa Arkansas, USA, ayon sa KATV.

Nakita sa footage, na hawak na ng Conway Police Department, si Hackett habang lango sa alak at nagsasayaw ng “Don’t Stop Believin” ng Journey.

Bumunggo siya sa isang lamesa bago siya kinompronta ng security guard. Hindi nagpaawat si Hackett at nakipagpambuno sa guwardiya.

Dumating ang dalawang pulis at kinausap si Hackett habang nagsusuot ng damit saka dinala sa Conway Police Department.

Hindi man siya kinasuhan, sinuspinde siya ng 30 araw nang walang sahod at pinasasailalim sa remedial training.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?