76

By

Pulis nabagok ang ulo matapos atakehin sa puso

Sharing is caring!

Namatay ang isang pulis na nakatalaga sa Cubao Police Station 7 ng Quezon City Police District (QCPD) nang biglang bumagsak at nabagok ang ulo sa semento habang kinakausap ang suspek sa pagnanakaw sa basement ng Mega Q. Mart, nitong Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala QCPD Director, Police Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang namatay na pulis na si PO3 Joenel Rafols Besonaya, 51.

Batay sa inisyal na imbestgasyon ni PO3 Julius Cesar Balbuena ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, ala-145 ng madaling-araw (January 11) ay nagresponde si PO3 Besonaya kasama si PO1 Joseph Panganiban sa Mega Q. Mart na matatagpuan sa Edsa corner Ermin Garcia St., Brgy. E. Rodriguez, QC.

Nagpapatrulya umano sina PO3 Besonaya at PO1 Panganiban, nang humingi ng police assistance ang guwardiya ng Q. Mart na nakilala lang sa pangalang Cabajes upang iturn-over ang naarestong suspek sa pagnanakaw.

Agad namang nagresponde ang dalawang pulis at habang kinakausap ni PO3 Besonaya ang suspek sa pagnanakaw ay bigla na lamang itong bumagsak sa semento at nabagok ang ulo.

Nang makita ng kasamang si PO1 Panganiban na malakas na tumatagas ang dugo mula sa ulo ni PO3 Besonaya ay tinawagan nito ang anak ng pulis na si Jaiper at magkatuwang nilang isinugod sa Quirino Memorial Medical Center subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physiscian na si Dr. Shirley Paz Bernal bandang alas-2:38 ng madaling-araw sanhi ng head injury.

Hinihinalang inatake sa puso ang pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?