224

By

Pulis na tinapunan ng taho, binigyang-parangal

Papugay ang gantimpala ng Philippine National Police sa isang police officer na sinabuyan ng taho ng isang Chinese sa MRT-3.

Binigyan ng parangal sa Camp Crame si PO1 William Cristobal kasunod ng pananaboy ng taho ng isang fashion student na pinangalanang Jiale Zhang.

Ang seremonya ay pinangunahan ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde dahil sa kagitingan at maximum tolerance na ipinamalas ng pulis.

“Ipinakita niya iyung kaniyang tiyaga at pasensya na kailangan ng ating kapulisan talaga,” ayon kay Albayalde.

Nang makapanayam naman si Cristobal, inamin nito na siya’y nainsulto sa ginawa ni Zhang.

“Naka-uniform ako then on duty, andito ako sa sarili kong bansa then foreigner ang mag-ano sayo, siyempre manliliit po tayo,” ayon sa PO1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?