28

By

Pulis na nanghablot ng cellphone ng TV reporter, na-promote

Na-promote ang pulis na nanghablot sa cellphone ng reporter na nag-cover ng Traslacion ng Itim na Nazareno noong Enero 9.

Ayon sa Philippine National Police, umakyat bilang deputy regional director for operations ng Metro Manila Police si Southern Police District chief Brig. Gen. Nolasco Bathan.

Ang deputy regional director for operations ang ikalawa sa pinakamataas na posisyon sa National Capital Region Police Office.

Paliwanag ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, na-promote ang Southern Police District chief dahil siya ang “next in line” pagdating sa seniority.

Magugunitang inakusahan ni reporter Jun Veneracion si Bathan na nang-snatch ng cellphone niya at binura ang kuha niyang video ng pakikipambuno ng mga pulis sa mga deboto sa Traslacion 2020, na itinanggi ng huli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?