265

Pulis na bumaril sa kanyang hepe, tepok sa mga kabaro

Patay ang pulis na bumaril sa kanyang hepe matapos ang naganap na engkwentro ng magsagawa ng manhunt operation sa bayan ng Bunawan lalawigan ng Agusan Del Sur.

Dead on the spot ang suspek na nakilalang si Patrolman John Paul Gerida, 28, nakatalaga sa 2nd ADS Police Mobile Force Company ng Agusan Police Provincial Office (PPO).

Naganap ang engkwentro dakong alas-10:35 ng umaga sa Purok 5 Barangay Consuelo ng nasabing bayan marapos ang isinagawang manhunt operation ng pulisya laban sa suspek dahil sa pagkakabaril nito sa ulo ng kanyang hepe na nakilalang si Police Lt. Col. Rex Lomenta.

Subalit imbes na sumuko ay nauna pang magpaputok ang suspek na si Gerida ng makita ang mga kasamahang aaresto sa kanya dahilan upang gumanti ng putok ang mga ito dahilan ng agarang kamatayan ng una.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .45 baril na kargado ng magazine at dalawang basyong bala nito.

Matatandaang binaril ni Gerida ang kanyang hepeng si Lomenta kung saan tinamaan ito sa ulo sa kanilang tanggapan sa Purok 1, Bunawan Brook dakong alas-9:25 ng gabi nitong Biyernes matapos magtalo sa hindi batid na bagay.

Matapos ang pamamaril ay agad itong tumakas habang kasalukuyang nasa malubhang kalagayan si Lomenta sa Tagum Regional Hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?