621

By

Pulis binaril sa loob ng korte, patay

Kaagad na nalagutan ng hininga ang isang pulis matapos um-attend ng hearing sa illegal drug case sa loob ng krote sa Danao City, Cebu.

Ayon sa report kaagad na napaslang si Senior Police Officer 1 Francis Villamor Huwebes, Marso 21.

Ayon kay Chief Inspector Maribel Getigan sa report ng Sunstar, dating miyembro umano si Villamor ng Provincial Intelligence Branch (PIB) bago malipat sa ARMM region matapos maluklok sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tatlong katao pa ang sugatan sa nasabing pamamaril at tinutukoy pa ng awtoridad ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?