80
PSTC Act pirmado na ni Digong
By ,

PSTC Act pirmado na ni Digong

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11214 o ang Philippine Sports Training Center (PSTC) Act, Martes, ayon sa Malacañang.

Layon ng batas na bumuo ng naayong sports facilities at amenities sa loob ng 18 buwan sa lugar kung saan pwede magsanay at mag-ensayo ang mga atleta, coaches at referees.

Sa ilalim ng batas, ang Philippine Sports Commission ang magmamay-ari ng training center kabilang na rito ang sports facilities at amenities.

Noong Pebrero 14 nilagdaan ni Duterte ang nasabing batas.

Tatabo sa P3.5 billion ang budget na ilalaan dito para sa pagpapatayo at pagpapaganda nito at kasama ito sa annual General Appropriations Acts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?