161

Apr 3, 2019 @ 18:42
By

PSG nagpaliwanag sa bulletproof glass podium ni Digong

Naglabas ng paliwanag ang pamunuan ng Presidential Security Group (PSG) kaugnay sa mas pinaigting na pagtiyak sa kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng paglalagay ng bulletproof glass sa podium ng Pangulo sa dinaluhang aktibidad sa Malabon City Martes ng gabi.

Sa inilabas na pahayag ni PSG Commander Brig. Gen. Jose Eriel Niembra sa kanyang official Facebook page, binigyang-diin nito na mandato nila na ipatupad ang pinakamataas na security protocols, meron man o walang banta sa buhay ng Presidente.

Sa bawat aktibidad aniyang dinadaluhan ni Pangulong Duterte ay mahigpit ang ginagawa nilang assessment para matukoy kung anong uri ng seguridad ang kanilang dapat na ipatupad.

Ang paggamit ng bulletproof glass ay unang ginawa ng PSG para matiyak ang kaligtasan ni Pangulong Duterte sa Malabon dahil open area ang pinagdausan ng aktibidad.

“PSG’s mandate is to protect the President, thus, multi-faceted threats are usual considerations. With or without outstanding threat, it is but imperative for PSG to implement the highest security protocols. In every engagement, assessment of the venue is conducted in order to determine the type of security measures needed to be enforced. PSG decided to put bullet-proof glass on the presidential podium because the activity was situated in an open area,” ani General Niembra.

Bagama’t gusto aniya ni Pangulong Duterte na makalapit at makahalubilo ang mga tao sa pinupuntahang mga aktibidad, sinabi ng PSG commander na mahalaga pa ring isaalang-alang ang seguridad ng Presidente .

“Whilst our President wants to have close encounter and dialogues with the people, PSG acknowledges the need to balance security and accessibility of the President,” dagdag pa ni Niembra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?