40

By

PSC sa COA: Tulong naman diyan!

Humihingi ng tulong ang Philippine Sports Commission sa Commission on Audit kung paano pangasiwaan ang pondong ibibigay para sa 2019 Southeast Asian Games.

“What we want from COA is a guideline in terms of how we should spend the money the government will earmark for the SEA Games. All eyes are on us,” pahayag ni PSC chairman Butch Ramirez.

Kasama ng PSC ang Philippine Olympic Committee at Phisgoc na pinamumunuan ni former Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pag-oorganisa ng biennial multi-sporting event ngunit ang PSC ang mamamahala at mananagot sa anumang pondong magagastos nito para sa pagho-host ng SEA Games sa bansa simula Nobyembre.

Nagbigay na rin ang Malacañang ng Memorandum Circular na nagsasabing lahat ng ahensiya at katungkulang ng gobyerno ay magbigay suporta para sa ikaaayos at ikagaganda ng SEA Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?