542

May 27, 2020 @ 16:28
By

PSA naghahanap ng 120,000 katao para sa census

Nasa 120,000 na katao ang hinahanap ng Philippine Statistics Authority (PSA) para mai-hire na magsagawa ng nationwide population census sa darating na Setyembre 2020.

Isinasagawa ang census kada limang taon.

Dapat ngayong Mayo ito pero nasuspinde dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay PSA Director Minerva Eloisa Esquivias, aarmasan ang mga maha-hire na “enumerator” ng mga protective equipment kapag nagsagawa na ng mga face-to-face interview.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?