88
Proyektong magbebenepisyo ang mga biktima ng Zamboanga siege, sinimulan na
By

Proyektong magbebenepisyo ang mga biktima ng Zamboanga siege, sinimulan na

Tiniyak ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Atty. Manuelito Luna sa may 6,000 pamilya na biktima ng 2013 Zamboanga siege na kanilang tutugunan at iimbestigahan ang mga sinasabing nangyaring iregularidad sa proyektong “Zamboanga City Roadmap to Recovery and Reconstruction (Z3R).

Ito ang ipinangako ni Luna na nanguna sa ginanap na groundbreaking ceremony para sa water and sanitation project component ng Z3R kung saan ay magbebenepisyo ang mga pamilyang biktima ng Zamboanga siege.

Kabilang sa mga dumalo sa groundbreaking sina Local Water Utilities Administration chief Jeci Lapus, Mayor Beng Climaco, mga kongresitang sina Celso Lobregat at Mannix Dalipe, Zamboanga City Water District management and board at barangay officials.

Umaabot sa P291.032 milyon ang inilaang pondo sa groundbreaking ng water at sewer system na may pipe support at P189.991 milyon naman para sa sewerage treatment plant sa Sitio Asinan, Barangay Kasanyangan.

Ang nasabing proyekto ay inaprubahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2014-2016 subalit natengga dahil umano sa mga iregularidad at ipinagpatuloy ngayong administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tulong na rin ng luwa sewerage and water treatment plant at pipe plant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?