57

Feb 28, 2020 @ 18:07
By

Providence Rural Bank sinara ng BSP

Pinasara ng Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Providence Rural Bank Inc. ng Cagayan na pinamumunuan ng isang Remedios C. Cusi.

Dinesisyonan ng MB ng BSP na isara ang Providence Rural Bank nung Huwebes at pina-takeover na ito sa Philippine Deposit Insurance Corp. (PDIC) kanina, Pebrero 28.

Ayon sa PDIC, iisa lang ang tanggapan ng Providence Rural Bank na matatagpuan sa Barangay Bulala sa Calamaniugan, Cagayan.

Nung December 31, 2019, may 2,431 na deposit accounts ito na nagkakahalagang P33.4 milyon. Sabi ng PDIC, 93% sa mga deposit o P31.06 milyon ay may deposit insurance kaya’t mababayaran.

Sabi ng PDIC, babayaran lahat ng sakop ng P500,000 na maximum deposit insurance coverage.

Para sa mga indibidwal na account holder na ang balance ay nasa P100,000 pababa, hindi na nila kailangan magsumite ng deposit insurance claims basta wala silang utang sa bangko at hindi sila nagsilbing co-maker sa utang ng iba sa Providence Rural Bank.

Kailangan lang nilang tiyaking tama at update ang kanilang address na nasa libro ng bangko.

May mga representative ng PDIC na mamimigay ng mailing address form sa tanggapan ng Providence Rural Bank at maaring isumite ito sa kanila hanggang March 4, 2020.

Nanawagan din ang PDIC sa mga may utang sa bangko na bayaran ito kahit pa sinara na ito ng MB.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?