1,024

By

Promoter ng Xylo bar, 3 pa huli sa ‘party drugs’ ng PDEA

Umabot sa mahigit P1.4 milyon halaga ng ecstasy ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa hinihinalang supplier ng sinasabing ‘party drugs’ sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, Agosto 15.

Unang nadakip ang suspek na si Arnold Immanuel Dy, 22, nang masamsam sa shoulder bag nito ang 465 na tablet ng ecstacy na may street value na P1.4 milyon.

Base sa ulat, dakong 9:45 ng umaga nang isagawa ang buy-bust operation sa Family Mart, Global Tower 1 Eastwood City sa Quezon City.

Ayon kay PDEA-Deputy Director General for Operations Gregorio R. Pimentel, matagal na nilang sinubaybayan ang suspek bago nila ikinasa ang operasyon laban dito.

Sumunod na nadakip bandang alas-3:45 ng hapon sa harap ng Xylo Bar sa Bonifacio Global City sa Taguig ang suspek na si Ma. Regina Go, umano’y promoter ng bar, na nakumpiskahan ng apat na tabletas ng ecstasy na nagkakahalaga ng P6,800, at dalawa pang kasamang sina Andrei Leoncio at Louise Ann Sumudivila.

Ang mga suspek ay nakapiit ngayon sa PDEA detetion cell at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article 11 of RA 9165.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?