205

By

‘Professor’ Pacquiao tuturuan ng leksiyon si Thurman

Pinaplano na ni Manny Pacquiao na turuan ng leksiyon si WBA welterweight champion Keith Thurman sa paghaharap nila sa Las Vegas, bukas (July 21).

Bilang mas nakakatanda, nais bigyan ni Pacquiao ng leksiyon si Thurman.

Aniya, “I want to teach him, like a professor.”

Handang-handa na si Manny sa gaganapin na laban, sa katunayan sinabi pa niya na mas maganda ang kanyang pangangatawan kumpara noong kinalaban niya si Adrien Broner nakaraang Enero kung saan nanalo siya via unanimous decision.

Samantala, malaki pa rin ang kumpiyansa ni Thurman na manatiling kampyeon.

Aniya, “I will still be champion tomorrow night. Manny Pacquiao ain’t doing nothing to me baby!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?