406

Prof na manyak, huli sa pagsungkit ng panty, bra

Isang top university professor ang nahuli sa akto ng pagnanakaw ng bra at panty na nakasampay sa labas ng isang bahay.

Ayon sa report ng Asahi Shimbun, nagnakaw si Seimei Shiratori, isang nanotech professor mula Keio University, ng pares ng bra at panty sa first floor balcony ng isang bahay.

Nakita ng asawa ng may-ari ng underwear ang ginagawa ni Shiratori at sumigaw ng magnanakaw dahilan para tumakbo ang suspek patungo sa Ichikawa City.

Ngunit hindi naging sapat ang bilis ng propesor na nahuli ng pulisya ilang metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente.

Umamin naman sa krimen ang propesor, na napag-alamang nagtuturo para sa Department of Applied Physics and Physico-Informatics.

“There is no question I stole [the] underwear,” ayon sa propesor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?