38
ABANTE up experts passport slot dfa
By

Problema sa passport slot, susuriin ng UP experts

Bibigyang kasagutan ng mga eksperto mula sa University of the Philippines School of Economics ang mga problemang bumabalot sa pagkuha ng pasaporte.

Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Asec. Frank Cimafranca at aniya sesentro ang pag aaral sa bilang ng mga kukuha ng passport sa susunod na dekada.

Sinabi pa nito, makakatulong ang pag-aaral ng mga statistical experts ng UP para sa funding requirements at planong expansion ng mga consular offices ng DFA.

Ibinahagi nito na, 12,000 ang demand para sa pasaporte kada araw, ngunit ang kaya lang i-proseso ng kanilang 27 consular offices ay 9,000.

Banggit pa nito, maging ang kanilang mga foreign posts ay nagre-rehistro din ng 70 porsiyentong pagtaas ng demand sa passport.

Ayon pa kay Cimafranca, pinag-aaralan na rin nila ang posibilidad na maging 16 oras ang operating hours ng kanilang consular offices para tumanggap ng mga passport appointments. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?