605
Priscilla expert na sa ‘bullfight’ kay John
Feb 28, 2019 @ 18:32
By

Priscilla expert na sa ‘bullfight’ kay John

Sa isla ng Boracay ipinagdiwang nina John Estrada at Priscilla Meirelles ang kanilang 8th wedding anniversary.

Kapwa ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang naging pagbabakasyon kasama ang kanilang anak na si Samantha Anechka sa kani-kanilang Instagram account.

Noong Feb. 26 ang anniversary nina John at Priscilla.

Mayroon silang sweet messages sa isa’t isa.

“Married for 8 years today and 11 years together … i love you baby …. she is amazing … im truly blessed to have her …. road to forever… salamat panginoon,” sabi ni John.

View this post on Instagram

My loves in boracay 2019 ….

A post shared by John S. Estrada (@john__estrada) on

“8 years of marriage with this Filipino Cowboy by God’s grace. By this time, I am already an expert in this bull fight. Love you my conquistador,” sabi naman ni Priscilla.

Ikinasal sina John at Priscilla noong February 2011 sa La Union.

Unang ikinasal si John kay actress Janice De Belen kung saan may apat silang anak na sina Kaila, Yuan, Moira at Inah.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?