107

Jun 30, 2019 @ 22:46
By

Pringle-Tenorio tandem, bida vs Alaska

Matapos mabigo sa huling outing kontra Phoenix, muling nakabalik sa winner’s column ang Ginebra sa paggiba sa Alaska, 118-106, sa Sunday special ng 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Big Dome.
Nasa likuran lang ng Barangay Ginebra ang Aces sa unang half, hindi pinabayaang umalagwa kahit pa maagang uminit sina Stanley Pringle at Justin Brownlee.
Natapos ang first half, lamang lang ng apat ang bataan ni Tim Cone, 57-53.
Abante ang Ginebra pagpasok ng fourth quarter, 88-80, ngunit biglang nabuhayan ang Alaska, nagsimula ng 11-0 scoring run tampok si JV Casio at Carl Bryan Cruz para manakaw ang manibela, 90-91.
Ngunit kaagad na nakabalik ang Gin Kings, nakatarak ng eight-point lead, 103-95, limang minuto na lang ang natira sa game clock.
Nagtuloy-tuloy ang pananalasa ng Ginebra, back-to-back treys ang binuslo ni Tinyente Tenorio, tumungtong sa double-digit lead tungo sa last two minutes, 110-99.
Kumakawag pa ang Aces, nakikipagpalitan ng basket sa Ginebra ngunit nanatiling matindi ang kapit sa kalamangan sa bisa ng tres muli ni Tenorio sahog pa ang kay Joe Devance.
Tumapos si Tenorio, kumamada ng 22 points, anim na tres ang tinarak sa walong tira, umayuda naman ang bagong backcourt partner na si Pringle na lumingkis ng 27 points, sahog pa ang walong assists.
Muntik namang mag-triple double si Brownlee na kumolekta ng 27 points, 14 rebounds at walong assists.
Nagbida naman sa Alaska si Chris Banchero, sumungkit ng 29 markers at apat na assists.
Angat sa 5-4 win-loss record ang Ginebra samantalang nalaglag sa 4-5 ang Aces.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?