60

Prince Potpot bida sa PETmalu

Bida nitong Linggo sa PETmalu ang viral social media star na si Potpot. Hindi ito tao, ngunit isang Chow Chow at Japanese Spitz mix na aso na alaga ni Allan Libres.

Isang araw pa lamang na walang post si Potpot sa kanyang page ay nami-miss na sila ng kanilang mga followers.

“Once na makita na nila na nag post na si Potpot doon na naming nare-receive ‘yung sinasabi nila na kumpleto na yung araw ko kasi nakita na namin si Potpot,” kwento ni Allan.

Nagsimulang dumami ang tagasubaybay sa adventures ni Potpot matapos sila makapaglaro hanggang jackpot round ni Daddy Allan sa Wowowin. Halong kaba, excitement, at tuwa ang ang nasa isip ni Allan noon dahil onting ingay pa lamang sa videoke ay tumatahol na si Potpot.

“Ang sabi ko kay Potpot nung kasa loob kaming studio, ‘Potpot dito tayo rarampa… Wag kang tatahol dahil kung tumahol ka magagalit si kuya Will, papalabasin tayo’. Pero never siya tumahol,” kinausap niya ang anak-anakan niya noong unforgettable experience nila.

Banggit din niya na hindi nila akalain na mapipili si Potpot dahil magaling sa tricks ang kanilang mga kasabayan.

Pero bago pa man sumali sa sinabing game show ay masipag na din magbahagi ng photos at videos ni Potpot ang pinsan ni Allan na si Alvin. Kwento niya na ginawa niya ng manager sa social media si Alvin. Naisipan lang nila gumawa ng Facebook group na Friends of Prince Potpot dahil dumami ang mga messages sakanila na aliw na aliw kay Potpot.

Unang kita pa lamang ni Allan ay anak na ang turing kay Potpot. Every year ay nagdiriwang ng bonggang birthday si Potpot bilang pasasalamat sa kalusugan nito. Minsan nang nalagay sa alanganin ang buhay nito nang makakain ng table food.

“Mula ng gabi hanggang umaga hindi ako nakatulog kasi ang isip ko na kay Potpot lang… Nung one year pinaghanda ko sya ng engrande dahil nung na-ospital siya sabi ko Potpot makalabas ka lang, makauwi ka lang, maka-recover ka ipaghahanda kita. So nung nag one year siya todo handa ako. May mga balloon, banner, kung ano ang handa ng tao,” madamdaming kwinento samin ni Allan.

Hindi aso pero anak ang turing ni daddy Allan kay Potpot. Ever since noon ay everyday na chine-cherish ni Allan ang existence ni Potpot. Kada taon ay may handa para sa birthday si Potpot, at hanggang ngayon na 5 taon na ang nakalipas.

Bukod sa mga birthday celebration, ay pinabigyagan din si baby Potpot. Madaming natutuwa kay Potpot, malayo man o malipat sa kanya. Sa mall nga ay minsan tumitigil ang mga tao sa mall para lang kausapin o i-hug ang malapitin aso na ito. Mayroon ding mga nagiimbita sakanila para dumayo sa malalayong lugar.

Ibinida rin sa amin ni Allan ang ilang beses na nanalo ng patimpalak si Potpot, at hindi inaasahang nakapag-uwi ng karangalan. Meron silang awards katulad ng Best Handler sa SM, and sa Cainta kung saan nanalo sila out of 315 dog competitors bilang best breed.

At dahil priority na nga ni Allan si Potpot, ay bumili sila ng sasakyan upang hindi mahirapan bumiyahe dahil ilang beses na sila natanggihan ng mga pampasaherong sasakyan. Para sa kanila ay biyaya at kakampi sa buhay si Potpot.

“Kung magaalaga kayo ng hayop ituring niyo silang kapamilya, kapuso, kasama sa bahay. Anak ang ituring niyo sakanila hindi hayop. Mga hayop man yan, ay nakakaramdam din yan kung pano sila alagaan. In return nakakasaya rin sa aso yon,” huling mensahe ni Allan.

Solid na solid talaga ang samahan ni Potpot at Allan, para panoorin ang buong video maaring i-type ang link na to:

At mga ka-Abante wag kalimutan mag-subscribe sa Youtube Channel ng PETmalu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?