22

By

Prince Harry, Meghan todo-suporta sa LGBTQ+ community sa Pride Month

Nagbigay pugay ang mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle sa LGBTQ+ community sa pagdiriwang ng Pride Month.

Tampok sa Instgram account ng mga ito na @sussexroyal ay collage ng mga larawan mula sa Instagram accounts na sumusuporta sa LGBTQ+ community.

“This month we pay tribute to the accounts supporting the LGBTQ+ community — those young and old, their families and friends, accounts that reflect on the past and are hopeful for a deservedly more inclusive future,” nakasaad sa caption.

“We stand with you and support you. Because it’s very simple: love is love.”

Isa sa mga pictures sa collage ay si Princess Diana kasama ang HIV patient na si Gerard McGrath sa AIDS hospice London Lighthouse noong 1990s.

Binasag ni Diana ang stigma na kaakibat ng HIV/AIDS nang personal itong bumisita sa mga pasyente noong 1980s at 1990s.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?