24

By

Prime Minister ng Bhutan, nagsisilbi ring doktor tuwing weekend

Hinahangaan si Bhutan Prime Minister Lotay Tshering dahil kahit mataas na ang kaniyang katungkulan ay ginagamit pa rin nito ang kaniyang passion sa panggagamot para makatulong sa kaniyang mga kababayan.

Tuwing weekend umano ay nag-oopera ng mga pasyente si Tshering.

Si Tshering kasi ay isa sa mga kilalang doktor bago ito pumasok sa politika noong nakaraang taon.

Nagtatrabaho siya bilang Prime Minister Lunes hanggang Biyernes at kapag weekends naman ay nagbabalik siya sa ospital.

Hindi tulad ng iba na naglilibang sa mga sports, mas gusto umano niya ang mag-opera.

“Some people play golf, some do archery, and I like to operate,” saad ni Tshering.

“I will continue doing this until I die and I miss not being able to be here every day. Whenever I drive to work on weekdays, I wish I could turn left towards the hospital,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?