89

By

Presyo ng ticket sa PBA, bababaan

Para mas lalong maengganyo ang mga fan na manood ng live, tatapyasan ang presyo ng PBA tickets sa paparating na 44th season ng liga.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial mula sa P50 sa general admission at P2,900 sa courtside, mas pabababain pa ito bukod pa sa mga diskwentong pwedeng makuha.

Balak rin ng PBA na magbigay ng malawakang discount para sa mga fan na magpapakita ng mga produkto galing sa mga koponan ng liga.

Ito’y win-win situation para sa mga brands lalo’t mas mahuhumaling na bumili ng mga produkto ang mga fan at mas mapapamura din ang kanilang panonood sa PBA.

Bukod pa dito, may mga bagong pakulo ring matutunghayan ang madla idadagdag and idea ng home court games na magpapa-excite sa mga laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?