43

By

Presyo ng LPG, sisirit

Bukas ay may dagdag na presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) na ipinatupad ng ilang kumpanya ng langis sa bansa.

Pinangunahan ng Petron Corporation ang pagpapatupad ng pagtaas ng P0.25 kada kilo sa presyon ng kanilang Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P2.75 na dagdag presyo sa bawat 11 kilogram na tangke nito na epektibo kaninang 12:01 ng hatinggabi.

Bukod dito, tinaasan din ang kanilang Xtend Auto-LPG ng P0.15 kada litro na karamihan ay ginagamit ng mga taxi.

Aasahan naman ang pagsunod ng iba pang kompanya ng langis tulad ng Solane sa kaparehong dagdag-presyo sa LPG at Auto-LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price hike ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing unang araw ng buwan, ang may paggalaw sa presyo ng LPG ay pinatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?