132

By

Press freedom walang kinalaman sa kaso ni Maria Ressa – Panelo

Nakagawa umano ng krimen ang chief executive officer ng Rappler na si Maria Ressa at nakakita ng probable cause ang DOJ prosecutors kaya ito kinasuhan at wala umanong kinalaman ang freedom of expression sa isyu nito.

“Well, I think we already issued a statement on that. The case against Maria Ressa is not based on any violation of press freedom. Simply, she committed a crime and the court finds probable cause that’s why she is now being charged… it’s as simple as that,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ang kaso umano ni Maria Ressa na cyber libel ay facts-based at binigyan din umano ito ng oportunidad na idepensa ang kanyang sarili.

Pero sa bandang huli ay napatunayang may probable cause laban kay Ressa.

Dapat din umanong magpokus na lang si Ressa sa depensa nito.

“I think I’d rather advise Maria Ressa just focus on her defense. Freedom of expression has nothing to do with it,” dagdag pa ni Panelo.

Kanina (Pebrero 13) inilabas na ng National Bureau of Investigation ang arrest warrant laban kay Ressa sa mismong opisina nito sa Pasig City.

Ayon sa mga tweet ng Rappler, pumunta sa headquarters ng Rappler ang NBI para dakpin si Ressa.

Ang pag-aresto kay Ressa ay may kaugnayan sa cyber libel na isinampa laban sa kanya ng negosyanteng si Wilfredo Keng hinggil sa artikulong isinapubliko ng Rappler na may titulong “CJ using SUVs of controversial businessman”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?