31

By

Preso nahirapang huminga, todas

Isa na namang preso ng Quezon City Police District Talipapa Police Station ang namatay makaraang mahirapang huminga, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni Talipapa Police Station P/Supt. Alex Alberto ang namatay na preso na si Norvic Villanueva, 36, binata at residente ng Oliveros Drive, Brgy. Apolonio Samson, Balintawak, QC.

Alas-kuwatro ng hapon (July 10), binisita umano ng kaniyang inang si Venancia si Norvic at sinabing nahihirapan itong huminga sa kaniyang kulungan sa Talipapa Station 3.

Agad naman umanong ipinagbigay-alam ng ina ng biktima sa pulis na naka-duty ang idinadaing ng anak kaya agad dinala ang biktima sa Quezon City General Hospital.

Makalipas umano ang ilang oras ay binawian din ng buhay ang nasabing preso.

Nabatid na si Norvic ay napiit sa Talipapa police station dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Hulyo 10 unang namatay sa nasabi ring piitan ang preso na si Romeo Borja, 43, binata, matapos na lagnatin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?