16

Mar 25, 2020 @ 11:01
By

Preso nabagot, nanaksak ng mga kakosa

Dahil sa posibleng tinding kabagutan, naisipan ng isang preso na mag-amok at manaksak ng kanyang mga kapwa inmate sa New Bilibid Prison.

Ayon sa report ng dzBB, ang preso ay nagwala sa Maximum Security Compound kung saan bigla itong nanaksak ng kanyang mga kakosa.

Nagresulta ang pag-aamok ng suspek sa pagkamatay ng isa nitong kapwa preso, habang ilan naman ang sugatan.

Inutas naman ang suspek ng kanyang mga kakosa na sa tingin ng mga awtoridad ay dahil sa pagkaaburido at walang magawa ay naisip na mag-amok sa loob ng kulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?