29

Apr 2, 2020 @ 22:24
By

‘Presidential wannabees’ sinasamantala ang COVID crisis – opposition senators

Binatikos nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senator Francis Pangilinan at Akbayan Senator Risa Hontiveros ang ilang politiko na sinasamantala umano ang sitwasyon ng COVID-19 pandemic para isulong ang kanilang political agenda para sa 2022 presidential campaign.

“It is not red tape. It is the 2022 political campaign that is hampering the immediate distribution of relief to millions of poor families,” sabi ng minority group sa gitna ng reklamo hinggil sa mabagal na paglabas ng tulong mula Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensiya ng gobyerno.

“It saddens us that there are people who could be so heartless and power hungry as to take advantage of this crisis to advance their political ambition,” dagdag pa ng mga ito.

Kaya pakiusap ng tatlong senador mula sa minorya sa mga nag-aambisyong pulitiko na gustong tumakbo sa mataas na posisyon sa 2020 na tumatabi-tabi muna at huwag pulitikahin ang distribusyon ng tulong para sa taumbayan ng apektado ng krisis na ito.

“To presidential wannabees, hands off, please. Go away,” panawagan nina Drilon, Pangilinan at Hontiveros.

“We all know what happens when political campaign gets in the way: the distribution of disaster aid is politicized and the bureaucracy is politicized,” sambit pa ng tatlo.

“Worse, national and local officials who have shown initiative and innovation in responding to COVID-19 crisis are politicized, criticized and crucified, which would only add to the suffering of our countrymen and women,” diin pa ng mga ito.

Nanawagan pa ang minority mga private organization, corporation at institution na huwag magpagamit para sa isang political propaganda ng mga pulitikong nagbabalkj tumakbo sa 2020 presidential elections.

“When charity is politicized, it stinks. In times like this, it kills,” ayon pa sa oposisyong senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?