27

By

Preliminary investigation sa kaso ng Kapa, malapit nang matapos

Inaasahang matatapos na ng Department of Justice (DOJ) sa susunod na linggo ang preliminary investigation sa criminal complaint na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) kontra Kapa Community Ministry na nasasangkot sa malawakang investment scam.

Ito’y matapos pahintulutan ni Assistant State Prosecutor Maria Lourdes Uy ang mga respondent na maghain ng rejoinders ngayong November 7 bilang parte ng kanilang depensa laban sa mga akusasyon ng NBI.

Batay sa reklamo, inakusahan ng NBI ang Kapa ng paglabag sa Sections 8 at 26 in relation to 73 ng Securities and Regulations Code at walong bilang ng syndicated estafa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?