57

By

Preggy dog nag-maternity photo shoot

Salamat sa social media, napakadali nang ibahagi ang iba’t ibang parte ng ating mga buhay.

Ang mga maternity photo shoot na dati ay ang mga tao lang gumagawa, ngayon pati mga aso na rin.

Kilalanin si Lilica, ang soon to be mama sa pictures sa photoshoot ng Brazilian photographer na si Ana Paula Grillo.

Ayon kay Grillo, 20 minutes lang ang pagkuha niya ng mga litrato kay Lilica dahil magaling mag-pose ang expecting mother.

Isa aniyang palakaibigang aso ng kapitbahay ang naka-buntis dito.

Nanganak kinabukasan si Lilica ng 5 napaka-cute at malulusog na tuta.

Na-adopt na umano ang mga tuta at handa nang maging kasing-ganda ng kanilang nanay na si Lilica.

Inanyayaan naman ng may-ari ang kapwa niya pet owners, na ipa-spay at ipa-neuter ang mga aso at pusa para sa kalusugan ng mga ito at para na rin mabawasan ang mga hayop na walang tirahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?