50

By

Prangkisa ng Philcomsat pinalawig pa ng 25 taon

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig pa ng 25 taon sa prangkisa ng Philippine Communication Satellite Corporation o Philcomsat.

Ang Philcomsat ang nangangasiwa sa satellite communications ng bansa.

Ang renewal ng Philcomsat sa pamamagitan ng Republic Act 1126, ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Pebrero a bente dos.

Nangangahulugan ito na mananatiling ang Philcomsat ang magtatayo, magmementine at mag-ooperate sa equipment at facilities para sa international at domestic communication ng bansa sa susunod na mahigit dalawang dekada.

Naging major supplier ang Philcomsat ng international circuits para sa iba pang telecommunication firms sa bansa gaya ng Philippine Long Distance and Telephone company o PLDT.

Naitatag ang Philcomsat noong 1966 sa pamamagitan ng isang joint venture sa panahon ng Marcos administration at noong 1968 ay nagsimulang maging bahagi ang Pilipinas sa worldwide communications satellite network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?