101
PPCRV, nangangailangan ng 300K volunteer para sa eleksyon
By

PPCRV, nangangailangan ng 300K volunteer para sa eleksyon

Naghahanap ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng hindi bababa sa 300,000 volunteer para sa mid-term elections sa Mayo.

Ayon kay PPCRV board member Dr. Arwin Serrano, itatalaga ang mga volunteer sa kanilang command center at sa mga polling precinct.

Inaasahan umano nila na aabot sa kalahating milyon ang mga makikibahaging volunteer para sa PPCRV, bagamat ito ay mas mababa kumpara sa 800,000 volunteer na kanilang nakuha noong 2016 Presidential Elections.

Mas mababa umano ang kailangan nilang volunteer dahil nabawasan ang mga precinct center na nangangailangang magtalaga ng poll watchers.

“We should have at least 300,000 volunteers nationwide. That’s the ideal minimum but we are targeting 500,000,” saad ni Serrano.

Para maging PPCRV volunteer, dapat ay 18 taong gulang pataas; rehistradong botante, walang kaugnayan sa sinumang Board of Election Inspectors at walang kamag-anak na kandidato.

Ang PPCRV ay election watchdog group na kinilala ng Commission on Elections (Comelec) bilang citizens’ arm ng poll body sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?