46
PPCRV humirit muli ng kopya ng election data sa Comelec
By

PPCRV humirit muli ng kopya ng election data sa Comelec

Hinamon ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang Commission on Elections (Comelec) na bigyan sila ng kopya ng lahat ng data mula sa central server ng komisyon.

Ayon kay PPCRV chairperson Myla Villanueva, nais nilang malaman kung nagtutugma ito sa election results na tina-transmit nito sa transparency server, source ng watchdog at sa iba’t ibang media outlet.

Iginiit din ng PPCRV na ipakita sa kanila ang kopya ng log o naging aktibidad ng transparency server na nakaranas ng ilang oras na delay sa pagpapakita ng partial at unofficial results ng bilangan noong Lunes ng gabi.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na walang problema sa kanilang transmission line kundi sa application na naghahatid ng data mula sa transparency server patungo sa PPCRV at mga media outlet.

Pag nakita umano nila ang mga log nito ay matutukoy na nila kung ano ang naging dahilan ng aberya.

“This has never happened. That’s why I want to see the logs in order that we can avoid it ever happening again,” giit ni Villanueva.

Aminado naman si Villanueva na maayos ang ipinalalabas na resulta ng Comelec pero maaga pa aniya para matukoy nila kung tugma ito sa kanilang mga natatanggap dahil ilang araw pa lang naman ang kanilang operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?