101

Feb 27, 2020 @ 20:53
By

Poy Erram nasaktan sa trade sa TNT

Aminado si Poy Erram na nakakaramdam siya ng nerbiyos mula nang sumabog ang balitang malilipat siya patungong TNT sa three-team trade sa pagitan ng kasalukuyan niyang team na NLEX at Blackwater.

Inihain daw ang trade noon pang Pebrero 17 pero hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nahahatulan.

Pampawala raw niya ng anxiety sa posibleng mangyari ang kanyang asawa at baby.

Nililibang din niya ang sarili sa palaging pag-eensayo para sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Sakali raw mangyari ang trade ay makakaramdam siya ng lungkot dahil maayos naman daw ang pagsasamahan nila ng NLEX at masaya siya sa team.

Masakit man daw ay iisipin na lang niyang bahagi ito ng trabaho niya.

Nakapaglaro pa si Erram para sa Road Warriors sa tune-up game laban sa San Miguel at Phoenix.

“Pumapasok talaga sa isip mo na, masakit ‘to ah, pero part kasi ng trabaho. For me, pag nakikita ko yung baby ko nawawala lahat ng iniisip ko. Pag umuuwi ako kinakausap ko ang wife ko, malaking bagay kasi yun e mag-uusap kami pero hindi namin pinag-uusapan yung tungkol sa mga basketball. Malaking tulong yung pamilya ko sa akin,” ani Erram sa panayam ng Abante sports writer na si Vladi Eduarte sa PBA Media Day.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?