31

By

Porzingis alaskado sa mga fan ng NY

Sa unang pagkakataon sapul nang humingi ng trade at napagbigyan, bumalik si Kristaps Porzingis sa New York para lang salubungin ng kantiyaw at boos ng Knicks fans.

‘Di rin pinaporma ni Marcus Morris ang dating kakampi.

Nagsalpak ng tiebreaking 3 si Morris 13.2 seconds na lang at naungusan ng Knicks ang Dallas Mavericks 106-103 Huwebes ng gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular game.

Tinapik din ni Morris ang inbound pass ng Mavericks sa final second para kumpletuhin ang panalo.

Tumapos si Porzingis ng 20 points at 11 rebounds sa unang laro niya sa Madison Square Garden bilang visitor. Nilista ni Luka Doncic ang panlima niyang triple-double ngayong season na 33 points, 11 assists at 10 rebounds.

No. 4 pick noong 2015 ng New York si Porzingis, sa mga unang seasons ay naging fan favorite. Pero nangayaw siya sa Knicks, inayawan din siya ng fans.

Sa pregame warm-ups pa lang, kinakantiyawan na ng crowd ang 7-foot-3 Latvian. Nang manalo sa opening tip at tuwing mahahawakan ang bola, binu-boo siya ng crowd.

Noong Feb. 6, 2018, inabot ng torn ACL si Porzingis at habang nagpapa-rehab ng injury, pinamigay siya sa Dallas noong Jan. 31. Mukhang nalito pa si Porzingis sa unang balik sa MSG, dahil sa halftime ay naglakad patungo sa maling tunnel bago huminto at bumuwelta para lumabas sa kabilang direksiyon.

Tumapos si Morris ng 20 points, may 17 points at 10 rebounds si Julius Randle sa Knicks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?