51

By

Pope Francis sa tech companies: Protektahan ang mga bata vs. child porn!

Giniit ni Pope Francis na dapat managot ang mga opisyal at investor ng technological companies kapag inuna nila ang pagkita ng pera kaysa pagprotekta sa mga bata laban sa sexual abuse at pornography.

“Companies that provide (internet) services have long considered themselves mere suppliers of technological platforms, neither legally nor morally responsible for the way they are used,” saad ni Pope Francis sa simula ng Vatican conference nitong Huwebes na “Promoting Digital Child Dignity.”

“I make an urgent appeal to them to assume their responsibility towards minors, their integrity and their future. It will not be possible to guarantee the safety of minors in the digital world without the full involvement of companies in this sector and without a full awareness of the moral and social repercussions of their management and functioning,” dagdag niya.

Present sa conference ang mga opisyal ng mga kompanyang Apple, Google, Microsoft at Facebook, maging ang mga child rights group at awtoridad.

Binanggit din niya na edad 11 ang average age ng unang access ng mga tao sa digital pornography.

Una nang nabanggit ni Pope Francis, sa hiwalay na Vatican conference, na dapat ding pag-igihin ng mga computer engineer ang mga paraan ng paggamit sa artificial intelligence at algorithms upang maprotektahan ang mga bata sa internet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?