33

Mar 30, 2020 @ 22:40
By

Pope Francis, aide walang coronavirus – Vatican

Sinabi ng Vatican na negatibo sa coronavirus disease si Pope Francis at malalapit nitong aide, nang magsagawa ng testing sa kanila makaraang may isang magpositibo sa sakit sa gusali kung saan nakatira ang Santo Papa.

Ito ang unang pahayag tungkol sa coronavirus status ng 83-anyos na lider ng Simbahang Katolika, simula nang magsimula ang krisis sa Itala na kinamatay ng higit 10,000 katao.

Nagsagawa ng test sa 170 katao sa Vatican, at anim sa kanila ang nagpositibo kabilang ang ilang nakatira sa Santa Marta guesthouse, ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?