35

By

Pop singer Scott Walker pumanaw sa edad na 76

Inanunsiyo ng record label 4AD ang pagyao ng singer-songwriter na si Scott Walker.

Ang US-born na si Walker, na nakakuha ng British citizenship, ay ang lead singer ng 1960s band na “The Walker Brothers”.

Nagsimula ang kanyang solo career noong 1967 at siyang nakaimpluwensiya sa mga top British act kabilang na sina David Bowie, Pulp at Bat for Lashes.

“It is with great sadness that we announce the death of Scott Walker. Scott was 76 years old and is survived by his daughter, Lee, his granddaughter, Emmi-Lee, and his partner, Beverly,” anang 4AD sa Twitter.

Kabilang sa mga hit song ng The Walker Brothers ang “Make It Easy On Yourself” noong 1965, “The Sun Ain’t Gonna Shine Anymore” noong 1966 at “(Baby) You Don’t Have to Tell Me” noong 1966.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?