77

By

Poole, Pippen pampuno ng Warriors

Simple lang ang nakita ni Golden State coach Steve Kerr kaya tinapik nilang No. 28 overall pick si Jordan Poole nitong 2019 NBA Draft.

“We drafted him for his ability to put the ball in the basket,” ani Kerr. “You can see his confidence.”

Kita nga ‘yun sa 123-101 preseason loss ng Warriors sa Lakers.

Umiskor ang rookie mula Michigan ng 17 sa 5 of 11 shooting, 4 for 9 mula 3-point territory.

Kalmado ang 20-year-old, swak sa sistema ni Kerr na motion offense. Off the bench, makakapagbigay agad siya ng opensa.

“He can shoot it, and he should continue to shoot it,” wika ni Steph Curry. “Take good shots. We need sparkplugs all up and down the roster. He can shoot the ball. He works at it and he’s not shy.”

Baka si Poole ang hinahanap na sparkplug habang tengga pa sa ACL injury si Klay Thompson. May makakatuwang sina Curry, Draymond Green at D’Angelo Russell.

Manipis din ang frontcourt ng Warriors, malamang si Kevon Looney pa ang starting center.

Kaya hinugot nila si free agent center Kavionn Pippen at binitawan si guard Devyn Marble.

Pamangkin ni NBA legend Scottie Pippen si Kavion, 22, nag-average ng 12.4 points, 5.8 rebounds at 1.7 blocks sa dalawang seasons sa Southern Illinois University.

Undrafted siya noong June.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?