128
Pons, Rondina hiwalay muna
By

Pons, Rondina hiwalay muna

Hindi muna magsasama ang tandem nina champions Bernadette Pons at Cherry Ann Rondina ng Petron Blaze Spikers para sa Superliga Beach Volleyball Challenge Cup na sisimulan sa Huwebes sa Capitol Beach Front sa Lingayen, Pangasinan.

Kasalukuyan pa kasing naglalaro para sa UST Golden Tigresses si UAAP Season 81 women’s volleyball MVP Rondina para sa finals ng torneo kaya makakatuwang ni Pons para depensahan ang kanilang korona si Floremel Rodriguez, isang veteran beach volley player.

Ilan naman sa makakalaban ng Blaze Spikers ay ang duo nina Michelle Morente at Fritz Gallenero ng F2 Logistics; Patty Orendain at Fiola Ceballos ng Generika-Ayala A; Gretchel Soltones at Shola Alvarez ng PLDT Home Fibr A; Bang Pineda at Jinggay Bangad para sa UVC A at sina Jackie Estoquia at Dhanylaine Demontano ng Sta. Lucia Splendido.

Bahagi rin ng 15-team women’s division ang Pangasinan Teams A at B, Cignal Teams A at B, Sta. Lucia Aquamira, PLDT Home Fibr B, Petron-UST, Generika-Ayala B at UVC B.

Samantala, magkakaroon din ng celebrity match sa pagitan nina Team Rachel ni Rachel Anne Daquis at Team Amanda ni Amanda Villanueva bago magsimula ang finals sa Mayo 18, Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?