59

By

Pondo para sa bagong classroom dagdagan – Recto

Dapat umanong dagdagan ang pondo ng Department of Education (DepEd) kasunod ng pagkasira ng 500 silid-aralan at 700 gusaling-pampaaralan dahil sa nangyaring lindol sa Southern Mindanao noong nagdaang buwan, ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

“Congress cannot be impervious to a tragedy which threatens the schooling of millions of children,” sabi ni Recto sa isang statement.

“It is duty-bound to increase the DepEd’s capital outlay funds, because the provision of a safe environment for learning should be given the highest reconstruction priority,” dagdag pa nito.

Sa panukalang 2020 budget ng DepEd, P20 bilyon lamang ang nilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa konstruksiyon ng mga eskuwelahan, malayo sa orihinal na request na P171.7 bilyon.

Sa talaan ng DepEd, kulang ng 64,795 klasrum ang mga pampublikong paaralan, ngunit ang budget na inilaan ng DBM ay para lamang sa 8,000 bagong silid-aralan.

“The earthquake aggravated the shortage. It has shaken the foundation of an already feeble allocation for a critical social infrastructure,” sabi ni Recto.

“DepEd’s construction budget was already in a calamitous state before the earthquake struck. Kulang na nga ang pondo, lalo pang pinalala ng lindol,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?