234

By

Political dynasties hindi mawawala sa bansa – Duterte

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mawawala ang political dynasty sa bansa dahil mismong ang mga botante ang pumipili sa mga ito.

Ang pahayag ay ginawa ng Presidente sa kanyang talumpati sa distribusyon ng titulo ng lupa sa Cagayan de Oro noong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Pangulong Duterte na mismong ang mga botante ang nagsabing ayaw nila ang isang kandidato lalo na kung may hindi magandang record ito.

Gaya aniya noon sa Davao City kung saan inayawan ang isang kandidato dahil sa pangit na record nito kaya ang anak na si Sara ang tumakbo sa pagka-alkalde.

“Political dynasties will never end because they are the ones who choose. No, exactly. I told my children… ‘Sge, Pa, pahuway na.’. And then they say — when I was still mayor, not President — ‘Ah Mayor, that person is no good. This and that and this. Snobbish, greedy, corrupt, and has many cases’,” anang Pangulo.

Walang ibang gusto aniya ang mga taga-Davao kundi siya o ang anak na si Sara ang magpatakbo sa lungsod.

“So they say, ‘It should be you or Inday’. So that’s why Inday is there now. I’m semi-retired except for the fact that I work, I’m no longer a politician. So Inday took the position,” dagdag pa ng Pangulo.

Lahat ng magkakapatid na Duterte ay kandidato ngayong 2019 midterm elections, kung saan si Mayor Sara ay tatakbo para sa kanyang re-eleksiyon, si Paulo Duterte ay tatakbong kongresista at si Sebastian o “Baste” ay tatakbo sa pagka-bise alkalde.

Bukod sa pamilya Duterte ay maraming mga kilalang politiko sa bansa ang nabibilang sa political dynasty gaya ng pamilya Estrada, Binay, Revilla, at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?