25

By

Poligrates, Marinero pipitasin na ang titulo

Finals Game 2 Miyerkoles/Oktubre 9:

(Cuneta Astrodome, Pasay)

1:00pm – Marinero vs BRT Sumisip

(Marinero leads series, 1-0)

Asinta ng Marinerong Pilipino ang titulo ng 2019 PBA D-League Foundation Cup pagharap nila kontra BRT Sumisip-Saint Clare sa Game 2 ng best-of-three finals ala-una ng hapon, Miyerkoles, sa Cuneta Astrodome.

Aasahan ni Marinero coach Yong Garcia sina conference MVP Eloy Poligrates at si Jhonard Clarito.

“Yun yung nagiging problema namin before and lumabas na naman. Hopefully ma-correct namin para sa Game 2 hindi kami parang roller-coaster ulit,” pahayag ni Garcia.

Handa namang sagutin ng Saints ang bagsik ng Marinero at sisiguraduhing papahabain pa ang serye.

“If we play that kind of game defensively the whole game, may chance kami manalo,” ani Saints coach Stevenson Tiu.

“Let’s see, hopefully maka-isa sa Game 2.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?