50

By

‘Police visibility’ sa Makati pinag-utos ni Mayor Binay

Itinaas ang heightened security sa Makati City matapos mag-viral ang nangyaring kidnapping sa Paseo de Roxas noong Lunes, Disyembre 9.

Ipinag-utos na rin ni Makati Mayor Abby Binay ang “greater police visibility” sa lungsod para maprotektahan ang lahat ng Makatizens kabilang na ang mga foreign national.

“I have ordered greater police visibility to ensure the safety and protection of all Makatizens, including foreign nationals who work and conduct business in the city,” pahayag ng alkalde.

Nagbigay din si Binay ng direktiba sa Makati Police chief na pangunahan ang mga follow-up operation at magbigay ng agarang updates tungkol sa biktimang babaeng Chinese.

“All leads are being pursued to immediately identify the suspects, locate their whereabouts and apprehend them, and safely rescue the victim,” wika pa ni Binay.

Umapela naman ang alkalde sa kanilang mamamayan na bagama’t isolated incident ang nangyari, dapat makiisa ang mga ito na labanan ang anumang kriminalidad.

Hinikayat din niya ang Makatizens na gamitin ang Makatizen app para i-report ang anumang krimen o emergency concern sa mga awtoridad para agad itong marespondehan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?