44

By

Pogoy tinanghal na Player of the Week

Balik ang tibay ng pulso ni Roger Ray Pogoy na nagbigay sa kanya ng Rookie of the Year honors noong 2017.

Dalawang beses binasag ng 6-foot-2 guard/forward ang kanyang career-highs, huli nang magliyab para itulak ang TNT KaTropa sa 104-96 win kontra Ginebra noong June 12.

Sa larong ‘yun, pasabog ang Gilas Pilipinas sniper ng 38 points mula sa 10 3-pointers.

Naging pang-apat na player lang siya sa kasaysayan ng PBA na may 10 3s sa isang laro tapos nina Allan Caidic, Kenneth Duremdes at Marcio Lassiter.

Naging mahalagang instrumento si Pogoy, kasama si import Terrence Jones, kaya namamayagpag sa tuktok ng Commissioner’s Cup ang KaTropa sa 7-1 record.

Dahil din sa hot shooting ni Pogoy, naging unanimous choice ang 27-anyos na Cebuano na produkto ng FEU para gawaran ng PBA Press Corps-Cignal Player of the Week (June 10-16).

Naungusan ni Pogoy sa weekly citation sina teammates Don Trollano at Troy Rosario, Sean Anthony ng NorthPort, Alex Mallari ng Phoenix, Ian Sangalang ng Magnolia, San Miguel trio nina Lassiter, Alex Cabagnot at June Mar Fajardo, at Ginebra duo nina Scottie Thompson at Greg Slaughter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?