411

By

POGO ‘menu’ may blowjob, butt massage

“May menu of services, parang restoran. ‘Yung mga babae, parang inoorder lang sa app ng mga Chinese members ng chatgroup. Parang Grabfood, may menu, may presyo, then darating na lang sa hotel o condo mo.”

Nilantad ni Senadora Risa Hontiveros sa pagdinig sa Senado ngayong Martes ng umaga, Enero 28, ang mga “menu” ng inihahaing serbisyo sa mga Chinese prostitution den sa bansa na ang mga parokyano, pawang mga empleyadong Tsino ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa “Miss, Wanna Date?” group chat na may 349 miyembro, may mga inaalok na “Chinese,” “Russian,” at “Korean.” Nagkakahalaga ang mga package mula 10,000 hanggang 45,000 (hindi tinukoy ang currency).

Sa “Puding Club” naman na bukas umano ng 24 oras at nakapwesto sa Lido De Paris Hotel, kasama sa serbisyo ang pagligo, “condom-less blowjob,” at sex. Meron ding “massage using butt,” “massage using one’s breast,” at “tamod sa bibig.” Nagkakahalaga ang mga package mula 3,000 (“fastfood price”) hanggang 16,000 (“night package”).

Bukod dito, nilabas din niya ang mga naka-blur na larawan ng mga Chinese na biktima ng human trafficking at pinagpapasa-pasahan sa mga sikretong chat group sa Telegram at WeChat. May mga kita ang boobs, naka-bra lang, at larawan ng nakadamit na mga babae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?