83

By

Poe, Villar nangibabaw sa Pulse Asia senatorial survey

Magkasama sa top spot ng pinakabagong resulta ng senatorial survey ng Pulse Asia ngayong Abril sina Senadora Grace Poe at Cynthia Villar.

Nakakuha sina Villar at Poe ng 51.7 at 50.5 porsiyento ng boto, ayon sa pagkakasunod.

Umakyat naman sa ikatlong puwesto si dating Senador Lito Lapid sa 45.7% voter preference.

Sinundan siya ni Taguig City Rep. Pia Cayetano sa 43.9% voter preference.

Pasok sa tinatawag na Magic 12 sina dating Special Assistant to the President Christopher Go (40.8%), Senador Juan Edgardo Angara (40.4%), dating senador Ramon Revilla, Jr. (38.1%), dating Bureau of Corrections chief Ronald dela Rosa (36.7%), Senadora Nancy Binay (36.2%), Senador Aquilino Pimentel III (31.8%), Ilocos Norte Governor Imee Marcos (29.6%), dating Senador Jinggoy Estrada (28.8%), Senador Paolo Benigno Aquino IV (28.8%) at Senador JV Estrada Ejercito (28.1%).

Isinagawa ang survey ng Abril 10-14, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?