113

By

Poe numero uno para sa mga Katoliko – Veritas survey

Nangunguna ang pangalan ni independent senatorial re-electionist Grace Poe para sa mga Katoliko.

Ito ay ayon sa isinagawang survey ng Veritas na National Catholic Voters’ Preference 2019 Senatorial Elections.

Sa nasabing poll, una ang pangalan ni Poe, kasama rin sa Top 5 sina Senador Sonny Angara, Cynthia Villar, Pia Cayetano at Willieo Ong.

Bumuo sa Magic 12 ng mga pambato ng Katoliko ay sina Ronald dela Rosa, Nancy Binay, Bam Aquino, Bong Go, Neri Colmenares, Koko Pimentel at Francis Tolentino.

Ang survey ay isinagawa noong Pebrero at ngayong Marso 2019 sa 1,200 respondent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?