95
grace-poe
By

Poe nanguna sa puso ng mga educator, data expert

Nanatiling numero uno si Senadora Grace Poe sa isinagawang non-commissioned senatorial survey ng ilang mga educator, data experts at advocates habang pumangalawa sa kanya si dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Sa ginanap na forum sa Quezon City Kamuning Bakery na pinangasiwaan ni Mr. Wilson Lee Flores, sinabi ni Carl Balita, pangulo ng Carl Balita Review Centers at may-ari ng 110 review centers nationwide, ang survey ay isinagawa nitong Abril 1 at 2 kung saan ay 4,536 respondents ang kanilang na-interview.

Sa survey ay nakakuha ng 50.8 porsiyento si Poe habang si Bato ay 46.5%.

Pasok sa top 12 sina Pia Cayetano, Sonny Angara, Bong Go, Nancy Binay, Cynthia Villar, Bam Aquino, Lito Lapid, Imee Marcos, Bong Revilla at Doc Willie Ong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?