75

By

Poe nananatiling No. 1 sa Senate race – Pulse Asia

Hindi pa rin natitibag sa top 1 si reelectionist Senator Grace Poe sa mga kandidato sa pagka-senador sa darating na May 2019 elections, batay sa resulta ng Pulse Asia survey na inilabas nitong Huwebes.

Nakakuha si Poe ng 72.6 percent voter preference habang pumangalawa muli sa kanya si Senadora Cynthia Villar sa 63.7 percent voter preference.

Lumanding sa ika-tatlo at ikaapat na puwesto si Senador Sonny Angara habang si dating assistant to the president Christopher “Bong” Go ay sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto.

Ika-apat hanggang ika-anim naman si Taguig Rep. Pia Cayetano habang si Lito Lapid ang lumapag sa ika-lima hanggang ika-walo.

Kapwa naman nasa ika-anim hanggang ika-siyam na puwesto sina reelectionist Senator Nancy Binay at Ronald “Bato” dela Rosa.

Pasok sa ika-pito hanggang ika-10 si dating senador Ramon “Bong” Revilla.

Pasok naman sa 9-12 spot sina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at dating Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino.

Isinagawa ang survey noong March 23-27 sa 1,800 respondents nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?